Buyer › Midman Guide
Hello. Pumili kung gusto mo ay direktang full guide para makita mo agad ng buo, or step by step.
Full Guide
- Kausapin ang Seller na gagamit kayo ng Midman para secured ang transaction. Kailangan pumayag si seller bago tumuloy.
- Kung ayaw ng Seller, i-report agad sa mga Admin para ma-aksyunan.
- Kung ayaw mag-Midman, cancel mo na agad transaction para makaiwas sa potential scams.
- Maghanap ng available Midman gamit ang iba't ibang paraan.
- PM mo sino nais mo, 'pag walang reply PM ka ulit ng iba.
- Comment sa post na ito para ma-notify lahat ng mga Admin/Midman.
- Kung may pumayag na Midman, gumawa ng GC kasama ang Midman, Seller, at ikaw.
- I-check ang Midman Fee dito sa link.
- Sabihin sa MM kung ano ang ang total ng items. Kung ginamit mo link sa taas ay may copy feature naman yun for efficiency.
- I-send ang pera/bayad (kasama ang MM Fee) sa Midman.
- Tandaan na huwag mag-down sa Seller at parang hindi na rin na-secure yun.
- Pwede naman downpayment pero sa Midman din ipa-secure.
- Hintayin ang reply ng Midman kung na-receive na niya ito. Kung sinabi ng Midman na natanggap na niya ang pera, ibibigay na ni Seller ang item(s)/product(s) sa'yo.
- Kung natanggap mo na, mag-reply sa GC na natanggap mo na ang item para i-release na ng Midman ang pera sa Seller
- Tapos na ang transaction. Ugaliing gumamit ng MM para maiwasan ang mga biglang tumatalong na Sellers.
Clarifications
Tumatalong means biglang nagiging scammer. Legit sila sa umpisa tapos biglang scam kapag nakuha na tiwala mo.